(Bad Luck, Good Luck)  MANGINGISDA ni Carlos V. Francisco 1. Mga Pahiwatig (Omens) -
Ang isang itim na pusa na dumaan sa iyong nilalakaran ay masamang pahiwatig. Ang itim na pusa demonyo na nag-ibang anyo. (A black cat crossing your path is a bad omen. A black cat is a demon in disguise.) -
Kapag nakakita ka ng dilaw na paruparo, ito ay magdadala sa iyo ng swerte. (Encountering a yellow butterfly will bring you good luck.) -
Kapag pumasok sa iyong bahay ang isang brawn na paruparo, ikaw ay mawawalan ng pera. (If a brown butterfly enters your house, you will lose money.) -
Kapag ikaw nagising dahil sa huni ng mga ibon sa madaling araw, ang swerte ay naghihintay sa iyo. (If you are awakened by chirping birds at dawn, luck awaits you.) -
Kapag nanaginip ng mga isda, mga puno, o mga ahas, ito ay tanda ng swerte, pera, o kaligayahan. (Dreaming of fish, trees, or snakes means good fortune, money, or happiness.) 2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts) -
Kapag ikaw ay nahiga na nakaharap sa pintuan ang iyong mga paa, ito ay magdadala sa iyo maagang kamatayan. (Lying down with your feet facing the door will bring you an early death.) -
Kapag nagpalamuti ka ng perlas sa iyong damit, ito ay nangangahulugan na ikaw ay maraming luhang itatangis. (Adorning your dress with pearls means you will shed many tears.) -
Huwag mong tahiin ang iyon damit habang suot mo ito, kundi may masamang mangyayari sa iyo. (Do not mend your clothes while wearing them, or harm will befall you.) -
Ang pagtapak sa unan ay maghahatid ng malas. (Stepping on a pillow brings misfortune.) -
Ang isang taong may lakad patungo kung saan ay hindi dapat ituloy ang kanyang lakad kung sakaling siya ay matapilok pagkalabas ng bahay. Ito ay pahiwatig na may masamang mangyayari sa kanya kapag itinuloy niya ang kanyang lakad. (A person who is headed somewhere should not proceed with her journey if she trips on something after leaving the house. Otherwise, something terrible will happen to her.) -
Kapag inupuan mo ang iyong bag habang ikaw ay nagbibiyahe, hindi ka makakarating sa iyong paroroonan. (If you sit on your bag while travelling, you will not reach your destination.) -
Ang taong nagbabasag ng salamin ay makakaranas ng pitong taong kamalasan. (A person who breaks mirrors faces seven years of bad luck.) -
Sa pagsapit ng alas-dose ng hating-gabi bago mag-Bagong Taon, kumain ka ng labing-dalawang ubas na kumakatawan sa labing-dalawang buwan ng taon. Makakasiguro ka na ikaw ay magkakaroon ng pera at swerte sa loob ng buong taon. (At the stroke of midnight on New Year's Eve, eat twelve grapes which represent the twelve months of the year. This will ensure money and good luck throughout the year.) -
Ang pagsipol sa gabi ay pag-iimbita sa mga masasamang espiritu. (Whistling at night invites evil spirits.) -
Ang pagsuot ng dyamante ang magbibigay ng proteksyon sa nagsusuot laban sa mga taong may masasamang isip. (Wearing a diamond protects the bearer from evil-minded people.)
|
SIGNS AND PREMONITIONSSigns and Premonitions  MARIANG MAKILING ni Hugo C. Yonzon, 1974 1. Mga Marka sa Katawan (Body Marks) -
Ang taong may taling sa kanyang paa ay nangangahulugan na siya ay ipinanganak na mahilig makipagsapalaran. (A person with a mole on his foot is a born adventurer.) -
Ang taong may taling sa kanyang mukha ay magiging matagumpay na negosyante. (A person with a mole on his face will be successful in business.) -
Ang taong may taling sa gitna ng kanyang ilong ay magiging mayaman pero hindi masaya. (A person with a mole in the middle of her nose will be rich but unhappy.) -
Ang taong may taling na malapit sa kanyang mata ay kaakit-akit sa ibang kasarian. (A person with a mole close to his eye is attractive to the opposite sex.) -
Ang taling sa kamay ang nagpapahiwatig ng kayamanan o pagiging magnanakaw. (A mole on the hand signifies wealth or thievery.) -
Ang taong may taling sa kanyang likod ay nagpapahiwatig na siya ay tamad. (A mole on one's back is a sign of laziness.) 2. Sa Hugis ng Kanyang Katawan (By the Shape of His/Her Body Parts) -
Ang taong may malaking tenga ay mabubuhay ng matagal. (A person with big ears will have a long life.) -
Ang mga babaeng may malapad na balakang ay magkaka-anak ng marami. (Women with wide hips will bear many children.) -
Ang mga taong natural na kulot ang buhok ay mahirap maintindihan ang takbo ng isip o di kaya ay laging mainitin ang ulo. (People with naturally curly hair are moody or ill-tempered.) -
Ang mga taong magkasalubong ang mga kilay ay madaling magselos. (People with eyebrows that almost meet easily get jealous.) -
Ang mga lalaking mabuhok ang dibdib ay mga palikero. (Men with hairy chests are playboys.) -
Ang isang taong may mga linya na tumatakbo mula sa kanyang palad hanggang sa kanyang mga daliri ay matagumpay sa kanyang negosyo. (A person with lines running from the palm ofhis hand to his fingers is successful in business.) -
Ang mga taong may malalaking puwang sa pagitan ng kanilang mga ngipin ay likas na mga sinungaling. (People whose teeth are spaced far apart are liars.) 3. Mga Iba Pang Pahiwatig (Other Omens) -
Kapag nakagat ng isang tao ang kanyang dila, ito ay pahiwatig na may nakaalala sa kanya o di kaya siya pinag-uusapan. (If a person bites his tongue, it means someone is thinking of him or talking about him.) -
Kapag nakalimutan ng isang tao ang nais niyang sabihin, ito ay nagpapahiwatig na linuha ng demonyo ang kanyang mga salita. (If a person forgets what he wants to say, it means that the devil snatched his words.) -
Ang babaeng nagsusuklay ng kanyang buhok na nakatalikod sa pintuan ay tanda ng pagiging taksil. (A woman who combs her hair with her back facing the door is a sign of infidelity.) -
Kapag nahulog ang lahat ng palito sa loob ng kahon ng posporo, ikaw ay magkakaroon ng di inaasahang bisita. (If all the matches should fall out of a matchbox, you will have an unexpected visitor.) -
Ang buwan na nagsisimula sa Biyernes ay magiging puno ng aksidente. (A month that starts on a Friday will be full of accidents.) -
Ang isang taong laging gumagamit ng pangbanda sa katawan tuwing Biyernes ay isang mangkukulam. (A person who always uses a bandage on Fridays is a witch.) -
Ang paglitaw ng isang kometa ay isang pahiwatig ng giyera, salot, o sakit. (The appearance of a comet is an omen of war, famine, or illness.) -
Kapag ang isang matanda ay tumatawa habang natutulog, ito ay pahiwatig na isang kamag-anak niya ay mamamatay. Kapag naman tumatawa ang isang bata habang natutulog, ibig sabihin siya ay nakikipaglaro sa mga anghel. (When a sleeping adult laughs, it means that a relative will die. On the other hand, if a child laughs while sleeping, it means that angels are playing with him.)
House ,Home,and familyHouse, Home, and Family)  Bayanihan ni Joselito Barcelona, 1993 1. Pagpapatayo ng Bahay (Constructing a House) -
Kung magpapatayo ng bahay, laging magsimula sa kabilugan ng buwan. (If you are to build a house, always begin during a full moon.) -
Ang pinakamainam na panahon sa pagpapatayo ng bahay ay sa mga buwan ng Marso, Hunyo, Hulyo, Agosto, Septyembre, at Nobyembre. (The best months to build a house is during the months of March, June, July, August, September, and November.) -
Huwag na huwag magpapatayo ng bahay sa pinakadulo ng kalsadang walang lagusan. (Never build your house at the end of a cul de sac, or "dead end" road.) -
Malas ang bahay na may labing-tatlong poste. (It is bad luck for a house to have thirteen posts.) -
Kapag magpapatayo ng bahay, laging isipin na maglagay ng ilang bagay sa ilalim ng bawat haligi o poste ng bahay, gaya ng mga lumang barya at mga medalyang pangrelihiyoso. Ito ay magpapa-alis ng mga masasamang espiritu at mangangalaga ng prosperidad. Ang mga piyesa ng musika, medalya, at mga barya ay magngangalaga ng pagkakaisa at katahimikan sa loob ng bahay. (When building a house, always remember to place certain things under each structural post. Old coins and religious medals will drive away evil spirits and ensure prosperity. Musical score sheets, medals, coins ensure harmony as well.) -
Ang bilang ng mga hakbang sa hagdanan ay hindi dapat napapangkat ng tatluhan. Bilangin ang mga hakbang mg oro (ginto), plata (pilak), at mata (kamatayan). Ang huling hakbang ay hindi dapat magtapos sa mata. (The number of steps ona stairase should not be in multiples of three. Count off the steps as oro (gold), plata (silver), and mata (death). The last step must not fall on mata.) -
Laging lumipat sa bagong bahay sa araw ng Miyerkules o Sabado. (Always move into a new house on a Wednesday or Saturday.) -
Kapag ikaw ay lumipat sa bagong bahay isang araw bago sumapit ang kadiliman ng buwan, ikaw ay hindi magugutom. (If you move to a new home one day before the new moon, you will never go hungry.) -
Ang unang mga bagay na dapat ipasok sa loob ng bagong bahay sa araw ng paglipat ay bigas at asin. (The first things one should carry into a new home n moving day are rice and salt.) -
Sa paglipat sa bagong bahay, isabog ang mga barya sa sala upang ang prosperidad ay maghari. (When moving into a new home, scatter coins in the living room so prosperity will reign.) -
Ang bilang ng mga taong natutulog sa loob ng bagong bahay sa unang araw ng pagkalipat ay dapat pareho sa loob ng siyam na araw. Kung hindi, may mamamatay sa bahay na iyon. (The number of people sleeping in a new house the first night should be the same for nine consecutive days. Otherwise, death will occur in that house.) 2. Mga Palatandaan at Pahiwatig (Signs and Omens) -
Kapag nakakita ng mga bubuyog sa loob ng bahay, ito ay maghahatid ng kayamanan at swerte sa mga naninirahan. (Bees found inside the house will bring fortune and good luck to its occupants.) -
Kapag ang mga kalapati ay lumisan mula sa isang bahay, ito ay tanda ng kawalan ng pagkakaisa at harmonya doon, dahil ang mga nakatira doon ay laging nag-aaway. (When doves and pigeons leave a house, it is a sign that there is no harmony there, because its owners quarrel all the time.) 3. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Dos and Don'ts) -
Kung nais mong maalisan ng mga surot sa iyong bahay, maglagay ka ng ilan sa isang papel at iwan mo ito sa bahay ng sinuman. Ang mga surot ay lilipat sa bahay na iyon. (If you want to rid your house of bedbugs (fleas), place some on a piece of paper and then leave them in someone else's house. The bedbugs will move to that house.) -
Kung gusto mong umalis agad ang mga bisitang hindi kanais-nais sa iyong bahay, patago kang magsabog ng asin palibot sa iyong bahay at sila ay agad na aalis. (If you wish to rid your home of unwanted visitors, secretly sprinkle salt around the house and they will soon depart.) -
Ang isang bisita ay hindi dapat umalis ng isang bahay habang ang pamilya doon ay kumakain pa, dahil ang pagbubukas ng pinto ay magiging sanhi ng pagkawala ng lahat ng magandang swerte ng pamilya. (A guest should not leave the house while the family is eating because opening the doors will let out all the family's good fortune.) -
Ang lahat ng bintana sa bahay ay dapat bukas sa Araw ng Bagong Taon upang papasukin ang biyaya ng Diyos. (All windows in a house should be opened on New Year's Day to let God's grace in.)
|
|