Infants and Children
)  1. Mga Sanggol (Infants) -
Kapag ang sanggol ay madalas hinahawakan ang kanyang mga paa, ibig sabihin ay gusto na niya ng kapatid na babae o lalaki. (If a baby often holds his feet, it means that he wants a younger brother or sister.) -
Kapag ginupit ang mga buhok ng pilik-mata ng bata sa habang siya ay isang buwan pa lamang, ang mga ito ay lalago ng maganda at mahahaba. (Cutting a baby's eyelashes during her first month will them grow long and beautiful.) -
Hindi dapat hinahalikan ang sanggol habang siya ay natutulog dahil ito siya ay lalaking sutil o makulit. (An infant must not be kissed when he is sleeping because he will turn naughty when he grows up.) -
Ang sanggol na madalas isubo ang kanyang mga daliri sa paa ay nangangahulugan na ang kanyang nanay ay magbubuntis na muli. (A baby who sucks on her toes means her mother will soon be pregnant again.) -
Kapag ang paa ng sanggol ay madalas halikan, siya ay lalaking palasagot sa kanyang mga magulang. (Kissing a baby's feet will result in the baby talking back to her parents when she grows up.) -
Ang sanggol na suhi ay magdadala ng swerte sa kanyang pamilya. Siya ay magkakaroon ng kapangyarihang alisin ang mga tinik ng isda sa lalamunan ng isang tao kapag hinawakan niya ang leeg nito. (A breech baby will bring luck to the family. She will also have the power to remove fish spines stuck in another person's throat by merely touching that person's neck.) -
Kapag ang sanggol ay bibinyagan, siya ay dapat kargahin ng isang taong may hawak na barya sa kanyang kamay o bulsa. Ito ay maghahatid ng swerte sa bata. (When a baby is baptized, he should be carried by a person with plenty of coins in his hand or pocket. This brings good luck to the baby.) 2. Mga Bata (Children) -
Kapag umiyak ang bata sa araw ng kanyang binyag, ito ay isang palatandaan ng prosperidad. At kapag mas malakas ang kanyang iyak, siya ay mas lalong yayaman. (A child that cries during his baptism is a sign of prosperity. The harder the child cries, the richer he will be.) -
Kapag ang bata ay handa ng lumakad, ilagay siya sa hagdanan. Payapakin siya sa isang plato o ano mang bagay, huwag lamang siya tumapak sa lupa. Ito ay panigurado lamang na kung sakali mang siya ay maliligaw, siya ay makakabalik sa kanyang tahanan. (When a child is ready to walk, put him on the stairs. Have him step on a plate or anywhere else so long as his feet do not touch the ground first. This is to ensure that he will always find his way home from wherever he may roam.) -
Kapag nahulog ang ngipin ng bata, itapon ito sa bubong ng bahay upang ito ay makita ng mga daga. Kapag umusbong a bagong ngipin ng bata, ito ay kasing tibay at malakas na gaya ng ngipin ng mga daga. (If a child's milktooth falls out, throw it up onto the roof of the house so that the rats will find it. When the new tooth grows in, it wil be as strong and as powerful as a rat's tooth.) -
Ang mga bata ay hindi dapat payagang maglaro sa mga huling oras ng hapon kung kailan ang kulay ng abot-tanaw ay mapulang-dilaw, dahil sa mga oras na iyon ang mga masasamang espiritu ay nagsisipaglakbay. (Children should not be allowed to play late in the afternoon when the horizon is yellow-orange in color, because evil spirits roam around at the time.) -
Maaantala ang paglaki ng isang bata kung siya hinahakbangan kapag siya ay natutulog. (Stepping over a child while he is asleep will slow down his growth.)
|
Money and Wealth(Money and Wealth) 
Market Scene ni Greg Bolanos 1. Mga Palatandaan at Mga Pahiwatig (Signs and Omens) - Kapag ang isang tao ay nagbasag ng itlog at nakakita siya ng dalawang dilaw, siya ay magiging mayaman. (A person who breaks an egg and finds two yolks inside will be rich.)
-
Ang puting paruparo ay isang palatandaan ng darating na kayamanan. (A white butterfly is a sign of impending wealth.) -
Ang isang maliit na burol ng langgam sa ilalim ng bahay ay isang palatandaan ng magandang swerte. (A small anthill under the house is a sign of good fortune.) -
Ang isang bahay na madalas pagkumpulan ng mga itim na langgam ay nagpapahiwatig na ang may-ari ng bahay ay magiging mayaman. (A house frequented by black ants means that its owner will be rich.) 2. Mga Dapat at Huwag Dapat Gawin (What to Do/Not to Do) -
Huwag ilagay ang iyong pitaka o handbag sa sahig, dahil kapag ginawa mo ito, hindi ka magiging maunlad. (Do not put your purse or handbag down on the floor, or you will not prosper.) -
Huwag na huwag kang magwawalis ng sahig sa gabi, dahil kapag ginawa mo ito mawawala ang lahat ng iyong kayamanan. (Never sweep the floor at night, or you will lose all your wealth.) -
Ang sinumang nagbabayad ng kanyang utang sa gabi ay magiging mahirap. (Whoever pays his debts at night will become poor.) -
Kapag ikaw ay agad na nakakita ng bulalakaw, magbalot ka ng ilang pera sa isang gilid ng iyong panyo at maglaro ka ng pustahan, at ikaw ay siguradong mananalo. (As soon as you see a shooting star, wrap some money in a corner of your handkerchief and play any game of chance, for you are surely going to win.) -
Kapag kumakati ang iyong palad, ibig sabihin ay makakatanggap ka ng maraming pera. (If your palm itches, it means you will receive a lot of money.) - Kapag ikaw ay nagsuot ng damit at bigla mong napansin na baligtad pala ang iyong pakakasuot, ibig sabihin ay makakatanggap ka agad ng pera. (After you dress up and you immediately discover that you wore your dress inside-out, it means that you are going to receive money shortly.)
- Lagi kang maglagay ng barya o pera sa loob ng bag o lagahe. Kapag hindi mo ito nagastos, ikaw ay magkakaroon ng pera sa buong taon. (Always keep a coin or money bills inside your bag or suitcase. If you don't spend it, it means you will have money for the whole year.)
- Kapag ikaw ay nakakita ng barya sa daan, kunin mo ito at ilagay sa iyong pitaka o bulsa. Kapag hindi mo ito nagastos, hindi ka magkukulang sa pera. (If you find a coin on the road, put it in your purse or pocket. If you never use it, you will never be short of money.)
- Magbigay ka ng malaking diskwento sa iyong unang mamimili, upang ang iyong benta sa loob ng buong araw ay lumaki (buena mano). (Give a generous discount to the day's first customer, so that your sales for the day will increase.)
Food and Eating(Food and Eating) 
Merienda ni Carlos V. Francisco
1. Mga Babala at Pahiwatag (Warnings and Signs) - Kapag nahulog ang kutsara kapag ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae. Kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita, samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo. (If a spoon falls during a meal, you will be visited by a woman. If it is a fork, a man will be visiting, while if it is a teaspoon, it will be a child.)
- Ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw. (A woman who switches seats many times during a meal will have many suitors.)
- Kapag ikaw ay nagpalit ng iyong permanenteng lugar sa hapag-kainan ng iyong pamilya, ang iyong mapapangasawa ay magkakaroon ng maikling buhay. (If you change your permanent place at the family table, the person you will marry will have a short life.)
- Kapag ikaw ay kumakain ng maraming sibuyas, ikaw ay magiging palikero o palikera. (If you eat too much onions, you will become a playboy or playgirl.)
- Ang pagkain ng maraming papaya sa araw-araw ay magpipigil sa iyong pagnanasang sekswal. (Eating ripe papayas everyday controls your sexual urges.)
- Kung ikaw ay biglang nabulunan habang kumakain, mayroong taong nakaalala sa iyo sa malayo, o di kaya ay kanyang nasasambit ang iyong pangalan. Upang malaman mo kung sino siya, agad kang humingi ng bilang o numero sa mga taong kasama mo habang kumakain. Ang bilang o numero na ibibigay sa iyo ay gamitin mo sa pagpili ng letra. Ang letrang papatak sa bilang na ibinigay sa iyo ay ang unang titik ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo. (If you choke briefly at mealtime, someone far away remembers you, or is talking about you. To find out who that person could be, immediately ask for any number from the people who are eating with you. The number that will match a letter in the alphabet will be the first letter of the person's name who knows you and is the one who might have remembered you.)
2. Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Things To Do and Not to Do) - Kung kailangang lisanin ang mesa bago ka matapos kumain upang maglakbay, kinakailangang ipihit ang mga plato sa mesa upang maging maluwalhati ang iyong paglalakbay. (If you have to leave the table before finishing your meal in order to go on a trip, turn around the plates on the table so that your trip will be safe.)
- Huwag maglagay ng pera sa ibabaw ng mesa habang kumakain. (Do not put money on the dining table while eating.)
- Ang bilang nga mga taong nakaupo na kumakain sa mesa ay hindi dapat umabot sa labing-tatlo. (The number of persons sitting down in a meal should not add up to 13.)
- Kapag nagluluto, mag-iwan ng kaunting butil ng bigas sa sako at itali ito ng mahigpit. Sa gayon ang iyong mga bisita ay hindi uubusin agad ang iyong inihaing mga pagkain. (When cooking, leave a few grains of rice in the sack and then tie it tightly. This wayt, your guests will not consume all the food at once.)
- Kapag ikaw ay nag-iwan ng kaunting kanin sa kaldero, magkakaroon lagi ng makakain sa loob ng iyong pamamahay. (If you leave some rice in the pot there will always be something to eat in the house.)
- Kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda, huwag mong ipagsabi kahit kanino; iyong ipihit ang plato ng makatlong ulit at ang tinik ay mawawala. (If a fish bone gets stuck in your throat, don't tell a soul; turn your plate around three times and the bone will disappear.)
- Mabuting gumamit ng plato sa pagsilbi ng pagkain sa iyong mga bisita. Ang pagpapala ng iyong mga bisita ay mananatili sa mga plato at magiging pagpapala sa iyong pamilya. (It is good to use plates when serving food to your guests. The grace of your guests will remain on the plates and be a blessing to your family.)
- Kapag ang isang estranghero o malayong kamag-anak ay dumating sa iyong tahanan, painumin mo muna siya ng tubig upang siya ay maghatid lamang ng mabuting balita. (When a stranger or distang relative arrives in your home, serve him water first so that he brings you only good news.)
- Kapag kumakain sa bahay ng mga di mo kilala, kainin lamang ang pagkain na nasa gitna ng iyong plato Ang mga mangkukulam ay ipinapalagay na naglalagay ng kanilang mga kapangyarihan sa tagiliran ng kanilang mga plato. (When dining in the home of strangers, always eat food from the center of the plate.)
- Huwag pagpatungin ang iyong mga maruruming pinagkainan, dahil ito ay magiging sanhi ng pagtataksil sa iyong asawa. (Do not stack dirty dishes one on top of the other, or it may lead to adultery.)
|
|